Skip to Main Content Go to Sitemap
SickKids

Programa sa Pagsusuri ng Laway

Ang pahinang ito ay magagamit sa mga sumusunod na wika:

Ang Programa sa Pagsusuri ng Laway sa Ospital ng mga May Sakit na Bata [The Hospital for Sick Children (SickKids)] ay nag-aalok ng mga kit sa pagsusuri ng laway, na kilala rin bilang Spit-kits, sa mga mag-aaral at kawani na may sintomas upang magpasuri para sa trangkaso, respiratory syncytial virus (RSV) at COVID-19 sa mga piling paaralan sa buong lugar ng Toronto. 

Ang programa ay nagsimula noong Setyembre 2020 upang masuri ang COVID-19 sa mga paaralan sa Toronto. Para sa 2024–25 na taon ng paaralan, ang programa ay palalawakin upang isama ang pagsusuri para sa trangkaso at RSV, bilang karagdagan sa COVID-19. 

Paano gumagana ang programa

Nagbibigay ang SickKids ng mga paunang nahandang kit ng laway (“Spit-kits”) sa mga paaralan na maaaring kunin ng mga mag-aaral at kawani na nakakaranas ng mga sintomas ng trangkaso, RSV at COVID-19.

Decorative icon

Ang mga sintomas ng trangkaso, RSV at COVID-19 ay kinabibilangan ng:

Lagnat, panginginig, ubo, pangangapos ng paghinga/paghingal, nabawasan/nawalan ng panlasa o pangamoy, pagtulo ng sipon/pagbabara ng ilong, sakit ng ulo, matinding pagkapagod, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan/pananakit ng kasukasuan, pagsusuka/pagtatae.

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas, sumangguni sa tool ng pagtatasa sarili ng Pampublikong Kalusugan ng Toronto (PDF) at mga patakaran ng iyong paaralan at sundin ang ibinigay na gabay.

Para sa mga paaralan sa Toronto, repasuhin ang impormasyon sa Pampublikong Kalusugan ng Toronto sa mga virus na ito, at kung paano bawasan ang pagkalat ng virus sa paghinga. Para sa partikular na gabay sa COVID-19, sumangguni sa pahina sa COVID-19 ng Pampublikong Kalusugan ng Toronto. 

Hakbang 1 ng Programa: Kumuha ng isang Spit-kit

Kumuha ng isang Spit-kit sa itinalagang istasyon ng Saliva Kit Pick-up ng iyong paaralan. Kung ikaw ay may sintomas at nasa bahay, maaari mong hilingin sa isang tao na pumunta sa paaralan at kumuha ng isang Spit-kit para sa iyo. 

Ang iyong Spit-kit ay dapat naglalaman ng:

  • Lalagyan at imbudo ng pangongolekta ng laway 
  • Isang plastik na bag upang iimbak ang ispesimen sa (biohazard na bag) 
  • Isang etiketa na kukumpletuhin at ididikit sa lalagyan ng pangongolekta ng laway  
  • Isang pormularyo ng rekisisyon na dapat punan 
  • Mga tagubilin kung paano kolektahin at lagyan ng etiketa ang sample ng laway 
  • Mga tagubilin kung paano makukuha ang mga resulta 

Hakbang 2 ng Programa: Kumpletuhin ang pagsusuri

Suriin ang Mga Tagubilin sa Pagkolekta ng Laway (PDF).

Tandaan na punan ang pormularyo ng rekisisyon nang tama at isama ito sa iyong sample. 

  • Iwasan ang pagkain, pag-inom, pagnguya ng gum, paninigarilyo, o pag-vape 30 minuto bago ang pagkolekta ng sample. 
  • Dumura hanggang sa pulang linya sa lalagyan na pangkoleksyon (1 hanggang 2 ml), ang mga bula ay hindi binibilang
  • Takpan ng asul na takip. Kapag naisara na, malumanay na kalugin nang tatlo hanggang limang beses. 
  • Ang legal na pangalan/apelyido at petsa ng kapanganakan ay dapat tumugma sa health card, etiketa, at pormularyo ng rekisisyon. 
  • Dapat na nakadikit ang etiketa sa lalagyan ng laway. 
  • Kumpletuhin ang pagpunan ng pormularyo ng rekisisyon ng laboratoryo. Ang pormularyo ay dapat punan nang kumpleto para maproseso ang sample. 
  • Ilagay ang sample at pormularyo ng lab sa biohazard na bag at isara nang mahigpit. 
  • Itago ang sample sa repridyereytor hanggang maisumite.

Hakbang 3 ng Programa: Isumite ang iyong sample

Ang mga nakumpletong Spit-kit ay maaaring ihulog sa loob ng cooler sa mga itinalagang Saliva Kit Drop-off na istasyon ng iyong paaralan. Para sa susunod na araw na mga resulta, ihatid ang iyong sample bago dumating ang courier sa iyong paaralan (maaari mong kumpirmahin ang oras ng courier sa iyong pinuno ng paaralan). 

Kinokolekta ang mga sample mula Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga pista opisyal) at inihahatid sa SickKids para sa pagsusuri. 

Hakbang 4 ng Programa Kunin ang iyong mga resulta

Makukuha ang lahat ng mga resulta sa MyChart sa loob ng 24 hanggang 48 na oras pagkatapos maisumite ang sample. 

Kung wala kang MyChart na account, maaari kang gumawa ng account nang libre. Kakailanganin mo ang Numero ng Ontario Health Card para gumawa ng isang account, kung wala kang Numero ng Ontario Health Card, mangyaring makipag-ugnayan sa school.salivatesting@sickkids.ca para sa mga resulta. 

Minsan ang mga pagsusuri ay hindi maproseso dahil sa hindi sapat ang laway sa lalagyan o hindi napunan nang tama ang isang etiketang pormularyo ng rekisisyon. Kung hindi maproseso ang iyong pagsusuri, makakatanggap ka ng isang tawag mula sa isang tagapagbigay ng SickKids. 

  • Makakatanggap ka ng isang tawag mula sa isang tagapagbigay ng SickKids. Kung hindi makakonekta sa iyo ang klinikal na pangkat ng SickKids, isang email ay ipapadala sa ibinigay na email sa iyong rekisisyon para ipaalam sa iyo na makukuha na ang mga resulta sa MyChart.
  • Hindi aabisuhan ng SickKids ang iyong paaralan.
  • Magkakaroon ka ng opsyon na lumahok sa pananaliksik kung interesado ka.  

Hindi ka makakatanggap ng isang tawag sa telepono. 

Video: Paano mangolekta ng iyong sample ng laway

We are committed to providing accessible formats as part of our commitment to Accessibility. Captions are available on this video through YouTube.

Request alternative format for this video

Video: Paano punan ang iyong klinikal na etiketa at pormularyo ng rekisisyon ng laboratoryo

Pakitandaan na ang mga tagubiling ito ay para sa mga klinikal na sample sa Programa ng Pagsusuri ng Laway ng SickKids. Para sa impormasyon tungkol sa mga sample na etiketa at rekisisyon ng pananaliksik, pakibasa ang polyeto na 'Mga Tagubilin sa Pagkolekta ng Laway' na kasama sa iyong kit ng pananaliksik, gayundin ang 'Pananaliksik sa Pagsusuri ng Laway ng SickKids' na seksyon sa ibaba. 

We are committed to providing accessible formats as part of our commitment to Accessibility. Captions are available on this video through YouTube.

Request alternative format for this video


Pananaliksik sa Pagsusuri ng Laway ng SickKids

Ang mga impeksyon sa virus ng paghinga ay karaniwang nakakaapekto sa mga bata at maaaring humantong sa mga seryosong isyu sa kalusugan sa ilang mga bata. Ang pag-unawa kung paano kumakalat ang mga trangkaso, RSV at COVID-19 na mga impeksyon sa paghinga sa mga bata ay maaaring makatulong sa mga manggagawa sa pampublikong kalusugan at pangangalagang pangkalusugan sa panahon ng mga paglaganap at mga pandemya sa hinaharap.

Sa panahon ng taon ng paaralang 2024-25, ang SickKids ay makikipagtulungan sa Pampublikong Kalusugan (Public Health) upang mas maunawaan ang: 

  1. Kung paano nagbabago ang dami ng virus sa kurso ng impeksyon
  2. Kung paano kumakalat ang mga impeksyon sa mga sambahayan, at
  3. Kung paano kumakalat ang mga impeksyon sa mga silid-aralan at kung gaano kadalas ang mga bata ay nagkakaroon ng mga impeksyong ito kahit wala silang nararamdamang sakit

Sino ang maaaring lumahok?

  • Ang mga indibidwal na nasuring positibo para sa trangkaso, RSV at COVID-19 ay may opsyon na gumawa ng pang-araw-araw na pagsusuri ng laway sa loob ng 10 araw.
  • Ang mga indibidwal na nasuring positibo para sa trangkaso, RSV at COVID-19 ay may opsyon na kumpletuhin ng kanilang mga sambahayan ang isang beses na pagsusuri ng laway.
  • Ang mga silid-aralan ay maaaring makatanggap ng mga kit ng pananaliksik. Kung ang klase ng iyong anak ay binigyan ng isang kit ng pananaliksik, mayroon silang opsyon na kumpletuhin ang isang beses na pagsusuri ng laway.

Ang lahat ng pananaliksik ay boluntaryo, at hindi mo kailangang lumahok kung ayaw mo. Ang lahat ng mga sample ng pananaliksik ay anonimo at lahat ng personal na impormasyon ay tinanggal. Maaari mong piliin kung gusto mo ang mga resulta ng iyong sample. Ang paggawa ng isang klinikal na pagsusuri ay hindi nangangailangan sa iyo na lumahok sa pananaliksik.

Nakatanggap ang aking anak ng isang Spit-kit na pananaliksik mula sa paaralan

Nakatanggap ang iyong anak ng Spit-kit dahil napili ang kanilang klase para sa pagsusuri.

Pipiliin ang mga klase sa buong taon ng paaralan para makita namin kung gaano kadalas ang mga bata ay magkakaroon ng mga impeksyong ito kahit na wala silang mga sintomas.

Hinihiling sa iyong anak na magbigay ng isang beses na sample ng laway. Ang lahat ng pakikilahok ay boluntaryo, at ikaw at ang iyong anak ay maaaring magpasya kung ibabalik ang sample. Ang sample ay ay susuriin sa kalaunan para sa mga impeksyon sa trangkaso, RSV at COVID-19. Walang gagawing henetikong pagsusuri ng tao sa ispesimen.

Ikaw at ang iyong anak ay may opsyon kung gusto mong malaman ang mga resulta ng sample ng pananaliksik.

Ano ang gagawin

  1. Ikaw at ang iyong anak ay maaaring magpasya kung gusto mong magsumite ng isang sample ng pampananaliksik. 
    • Hinihiling namin sa iyo na pakibalik ang hindi nagamit na kit sa Hindi Nagamit na Saliva Kit na lalagyan sa silid-aralan ng iyong anak kung magpasya kang hindi lumahok. 
    • Kung nais mong lumahok, alamin kung paano kolektahin ang iyong sample. 
  2. Kung gusto mong magsumite ng isang sample ng pananaliksik, ikaw at ang iyong anak ay maaaring magpasya kung gusto mong malaman ang mga resulta ng sample ng pananaliksik.
    • Ang mga resulta ay hindi ibinabahagi sa paaralan, pampublikong kalusugan, o sa iyong doktor. Ang mga resulta ay nasa sa iyo upang magpasya kung gusto mong matanggap at/o ibahagi ang mga ito.
    • Aabutin ng mas matagal ang mga resulta kaysa sa karaniwang mga oras ng pagproseso.
  3. Repasuhin ang mga Tagubilin sa Pagkolekta ng Laway – Silid-aralan (PDF). Kumpletuhin ang pagsusuri ng laway. Punan ang etiketa at pormularyo ng rekisisyon na kasama batay sa opsyong pipiliin mo.
    • Kung nais mo ang mga resulta ng sample, isulat ang pangalan ng kontak at impormasyon sa pormularyo ng rekisisyon. Ito ay para ipaalam sa iyo ang resulta. Aalisin ang mga detalyeng ito mula sa sample ng pananaliksik pagkatapos na abisuhan ka.
    • Isulat ang edad ng bata sa mga taon at i-tsek ang kanilang legal na kasarian.
    • Lagyan ng tsek ang 'symptomatic' kung ang taong sinusuri ay may mga sintomas, o lagyan ng tsek ang 'walang sintomas' kung ang taong sinusuri ay walang mga sintomas. Kung mayroon silang mga sintomas, mangyaring ilista ang mga sintomas (halimbawa: ubo, lagnat) at isulat ang petsa kung kailan nagsimula ang unang sintomas.
    • Isulat ang petsa at oras kung kailan nakolekta ang sample ng laway.
    • Panatilihin ang sample ng laway sa repridyereytor hanggang sa pagsusumite.
  4. Isumite ang iyong natapos na sample ng pananaliksik sa silid-aralan sa istasyon ng 'Saliva Kit Drop-off' sa iyong paaralan.

Indibidwal at sambahayang pagsusuri

Kung nasuring positibo ang iyong anak, at interesado ka sa pagsusuri sa indibidwal at sambahayan na mga bahagi, ang aming pangkat ng pananaliksik ay magbibigay ng higit pang mga detalye at mag-aayos ng paghahatid ng kit sa iyo.

Mga benepisyo ng pakikilahok

Ang impormasyong natutunan namin ay maaaring makatulong sa amin na mas maunawaan kung gaano katagal ang mga bata ay nakakahawa sa mga virus na ito at kung paano sila kumakalat. Ang mga may-kaalamang desisyon ay nagmumula sa mahusay na data, na maaaring makatulong na ipaalam sa pampublikong kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng mga virus na ito sa hinaharap.

Ang mga kalahok ay makakatanggap ng isang maliit na token ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng isang gift card para sa indibidwal at sambahayan na pagsusuri. Ang mga batang kalahok para sa indibidwal at sambahayan na pagsusuri ay bibigyan din ng mga oras ng boluntaryo at hahandugan ng isang sertipiko para sa paglahok. Ang mga kalahok na silid-aralan ay isasali sa isang raffle para sa isang karanasan sa pagdiriwang na inaprubahan ng kanilang pamunuan sa paaralan.

Kontak

Makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng email:

Pangalan ng pag-aaral: Mga Dinamiko ng Virus ng Trangkaso, RSV, at SARS-CoV-2 sa mga Bata at Sekundaryong Paglilipat sa loob ng Mga Sambahayan at mga Paaralan 
Prinsipal na (mga) Imbestigador (PI) ng SickKids Dr. Michelle Science at Dr. Aaron Campigotto 

Mga Katanungang Madalas Itanong

Hindi. Ang pagsusuri ay boluntaryo.

Nakumpleto mo man ang pagsusuri o hindi, sundin ang mga patakaran ng iyong paaralan at pampublikong kalusugan na gabay para sa anumang mga sintomas na iyong nararanasan.

Ang mga resulta ay hindi ibubunyag sa iyong paaralan. Ang mga resulta ay ibabahagi lamang sa indibidwal na tumatanggap ng pagsisiwalat. 

Hindi. Ang isang klinikal na pagsusuri at isang pagsusuri sa pananaliksik ay magkahiwalay. Kung makumpleto mo ang isang klinikal na pagsusuri, ituturing itong isang regular na pagsusuri na ginagawa sa opisina ng iyong doktor o sa ospital. Ang mga pagsusuri sa pananaliksik ay lalagyan ng etiketa bilang mga pagsusuri sa pananaliksik at ganap na opsyonal.

Katulad ang katumpakan sa nasopharyngeal na pamahid 

Ang mga lokasyon sa pagsumite ay magiging ispesipiko sa paaralan. Para sa madaling paggamit, kadalasang inirerekomenda na nasa loob ng harapang pasukan at/o foyer. Suriin ang iyong mga materyales sa komunikasyon sa paaralan upang makita kung saan ang lokasyon ng pagsusumite sa iyong paaralan. 

Ang magulang/tagapag-alaga/miyembro ng sambahayan at/o indibidwal na nagkukumpleto ng pagsusuri ay may pananagutan sa pagtitiyak ng tamang pagkumpleto ng rekisisyon ng laboratoryo at etiketa ng ispesimen. 

Ang impormasyon ay dapat kumpleto at legal na tumpak para sa mga klinikal na sample. Ang mga mas gustong pangalan ay hindi maaaring tanggapin sa ngayon. 

Ihahatid ang sample kasama ng pagkuha sa susunod na araw. 

Kung darating ka para isumite ang sample sa Biyernes pagkatapos na makuha ang mga sample ng courier, hinihiling namin sa iyo na itago ang iyong sample sa repridyereytor hanggang sa katapusan ng linggo at isumite ito sa Lunes bago kunin ng courier. Ito ay upang matiyak na ang temperatura ng sample ay mananatiling matatag hanggang sa katapusan ng linggo. 

Back to Top